Carlos Yulo wagi ng dalawang bronze medals sa ginanap na All Japan Gymnastics Championship

Nagwagi ng dalawang bronze medals ang Pinoy na si Carlos Yulo sa ginanap na All Japan Gymnastics Championship.

Binati ng Philippine Sports Commission (PSC) si Yulo sa kaniyang naging tagumpay.

Ayon sa PSC, dalawang bronze medals ang nakuha ni Yulo para sa vault at floor exercise categories.

Ang All Japan Gymnastics Championship ay ginanap sa Takasaki Arena sa Japan kahapon araw ng Linggo.

 

 

 

Read more...