Paglalabas ng SALN obligasyon ng lahat ng nasa pwesto sa pamahalaan
Obligasyon ng lahat ng opisyal at mga empleyado ng pamahalaan ang ilantad sa publiko ang kanilang Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN).
Pahayag ito ng political analyst na si Prof. Mon Casiple kasunod ng mga panawagan sa mga nasa pwesto sa pamahalaan na ilabas ang kanilang SALN.
Ayon kay Casiple, nakasaad sa Saligang Batas ang pag-iisyu ng SALN ng lahat ng nasa public office.
Ito ay dahil humahawak sila ng public money.
Lahat aniya ng nasa gobyerno mula sa pinakamataas na pwesto hanggang sa pinakamababa ay kinakailangang gawing “available for audit” ang kanilang SALN hindi lamang ng Commission on Audit (COA) kundi maging sa publiko.
“Ang idea d’yan kapag nasa public office ka at humahanwak ka ng public money, dapat available ang SALN mo for public audit
hindi lang para sa COA kundi dapat ang public mismo may access dapat d’yan. Public money ang pinag-uusapan d’yan eh,” ayon kay Casiple sa panayam ng Radyo INQUIRER.
Kailangan ayon kay Casiple, sa sandaling humawak ng public office ang isang indbidwal ay isipin nitong wala na siyang privacy.
Sa isyu ng paglalabas ng SALN ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, sinabi ni Casiple na hindi naman ipinagbabawal ng Mataas na Hukuman ang paglalantad ng SALN.
Nais lamang ng SC na matiyak na masusunod ang tamang proseso hinggil dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.