Lahat ng tourist attractions sa Gapan, Nueva Ecija isasara simula ngayong araw; mga bata isinasama kasi sa pamamasyal kahit bawal

By Dona Dominguez-Cargullo December 14, 2020 - 09:11 AM

Pangsamantalang isasara ang lahat ng tourist attraction sa Gapan, Nueva Ecija simula ngayong araw, December 14.

Ayon kay Gapan Mayor Emeng Pascual, kabilang sa sarado ang plaza, night market at ang Lumang Gapan.

Ayon sa alkalde, sa kabila kasi ng bawal pa rin na lumabas ang mga bata ay isinasama pa rin sila ng mga magulang sa pamamasyal.

Nawawala aniya ang social distancing at nagkakaroon na ng mass gathering.

May mga pagkakataon pa ayon kay Pascual na ang mga magulang ay nakikipagtalo sa mga miyembro ng IATF at mga pulis.

Sinabi ni Pascual na mabuti sanang makitang masigla at masaya ang lungsod lalo na at papalapit ang kapaskuhan.

Pero dahil nananatili pa ang banta ng COVID-19, napagkasunduan ng IATF na pangsamantalang isarado na ang mga pasyalan sa Lungsod hangga’t hindi nakakahanap ng solusyon sa problema.

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, Gapan, Health, Inquirer News, Lumang Gapan, MGCQ, night market, nueva ecija, pandemic, Philippine News, plaza, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, tourist attractions, Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, Gapan, Health, Inquirer News, Lumang Gapan, MGCQ, night market, nueva ecija, pandemic, Philippine News, plaza, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, tourist attractions

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.