Kaso ng COVID-19 sa India nadagdagan ng 27,000 sa magdamag

Umabot na sa mahigit 9.8 million ang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 27,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.

Dahil dito, umabot na sa 9,884,716 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 9.3 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 353,000 pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 300 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 143,393 na.

 

 

Read more...