Alas 7:26 ng umaga ngayong Lunes, December 14 nang magpatupad ng 15kph speed restriction ang LRT-1 sa biyahe ng mga tren mula Baclaran to Balintawak.
Makalipas ang ilang minuto o alas 7:35 ng umaga sinabi ng Light Rail Manila Corporation na nilimitahan na ang operasyon ng mga tren at ang biyahe ay mula Baclaran hanggang Monumento Station lamang at pabalik.
Mayroon umanong problema sa bahagi ng Balintawak Station.
Alas 8:20 ng umaga nang maibalik sa normal ang biyahe ng mga tren matapos maisaayos ng kanilang engineering team ang problema sa Balintawak.
MOST READ
LATEST STORIES