Imbestigasyon sa cashless toll system sisimulan na ng Senado
Sisimulan na ng Senado ang imbestigasyon sa pagpapatupad ng cashless toll system sa mga expressway.
Ayon kay Senator Grace Poe, pinuno ng Senate Public Services Committee, sa December 17 gagawin ang unang pagdinig sa usapin.
Tatalakayin sa imbestigasyon ang proseso na ipinatutupad para maisaayos ang paggamit ng RFID.
Kabilang dito ang mga reklamo tungkol sa hindi gumaganang RFID readers.
Sinabi ni Poe na tatanungin ng komite sa DOTr tungkol sa mga problemang nararanasan sa cashless system.
Sinabi ni Poe na maging sa ibang mga bansa na umiiral na ang cashless transactions sa mga expressway ay mahaba ang naging proseso bago naipatupad ng maayos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.