Magpatawad at magpakumbaba ngayong Semana Santa – Tolentino

Francis Tolentino 2Malaman ang naging mensahe ni senatorial candidate Francis Tolentino na bukod sa pagninilay, mahalagang isapuso ng bawat isa ang kahalagahan ng pagpapakumbaba at pagpapatawad.

“Marahil mula po sa personal kong karanasan, napatunayan ko po na hindi masamang magkamali, ang mahalaga po ay ang paghingi ng tawad at matutunan nating magpamumbaba kung kinakailangan,” ani dating MMDA Chairman Tolentino.

Aniya pa, ang halaga ng pagkatao ay hindi nasusukat sa pagmamataas, bagkus ay sa kakayahan na aminin ang naging pagkukulang at magpatawad sa mga nakasakit sa iyo.

Ipinahayag ito ni Tolentino sa harap ng mga empleyado ng Pasay City hall sa isang flag raising ceremony, na sinundan naman ng Senakulo.

Samantala, pinasalamatan naman ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kay Tolentino sa mga naitulong niya sa kanilang lungsod partikular na sa mga proyekto kontra baha at pagsasaayos ng traffic management.

Dahil dito, hinikayat rin ni Calixto ang kaniyang mga kababayan na patuloy na suportahan si Tolentino lalo na sa kaniyang kandidatura sa darating na halalan.

Read more...