Truck ban iiral na muli simula ngayong araw ayon sa MMDA

By Dona Dominguez-Cargullo December 14, 2020 - 05:31 AM

Simula ngayong araw December 14, muling ipatutupad ng MMDA ang truck ban sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Magugunitang sinuspinde ng ilang buwan ang pag-iral ng truck bun simula nang magpatupad ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

Pero dahil sa unti-unting pagbabalik sa normal ng daloy ng traffic, nagpasya ang MMDA na ibalik ang pagpapatupad ng truck ban.

Iiral ang total truck ban sa EDSA mula sa Magallanes Interchange hanggang North Ave. kung saan hindi papayagan ang ga truck na dumaan sa loob ng 24 oras mula Lunes hanggang Linggo.

Sa iba pang pangunahing lansangan sa Metro Manila, ang pag-iral ng truck ban ay mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng umaga at alas 5:00 ng hapon hanggang alas 10:00 ng gabi mula Lunes hanggang Sabado.

 

 

 

 

TAGS: edsa, magallanes interchange', mmda, North Avenue, traffic, truck ban, edsa, magallanes interchange', mmda, North Avenue, traffic, truck ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.