Guiuan, Eastern Samar niyanig ng Magnitude 3.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan ng Eastern Samar.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 81 kilometers northeast ng bayan ng Guiuan, alas-12:39 umaga ng Lunes (December 14).

May lalim na 22 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...