Poe nanguna sa SWS survey na ginawa matapos ang presidential debate sa Cebu

presidential debateNananatiling si Senator Grace Poe ang most preferred presidential candidate sa mobile survey na isinagawa ng Social Weather Stations at TV5.

Ginawa ang mobile survey, dakawang araw matapos ang March 20 presidential debate held na ginanap sa University of the Philippines sa Cebu kung saan nagharap harap sina Poe, Vice President Jejomar Binay, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, at administration bet Manuel “Mar” Roxas II.

Sa resulta ng survey, 35 percent ng mga respondents ang nagsabing si Poe ang kanilang iboboto.

Pumangalawa naman si Duterte na nakakuha ng 26 percent, pangatlo si Binay na mayroong 18 percent at si Roxas ang pang-apat na may 17 percent.

Si Senator Miriam Defensor Santiago na hindi nakadalo sa debate ay nakakuha ng 2 percent.

Lumitaw sa survey na si Poe ay top choice sa National Capital Region (31 percent).

Si Duterte naman ang most preferred candidate ng mga respondents mula sa Mindanao (49 percent).

Bago ang post-debate poll ng SWS ay nagsagawa din ito ng survey bago gawin ang ikalawang presidential debate upang makita ang pagbabago sa voting preferences matapos ang debate.

Sa pre-debate poll na ginawa noong March 18, Poe, nanguna rin si Poe at nakakuha ng 33 percent habang pangalawa si Duterte na mayroong 24 percent.

Sumunod si hey Binay (20 percent), Roxas (18 percent) at Santiago (3 percent).

Sa 1,200 original respondents ng SWS survey ay 806 o 67 percent ang tumugon sa March 22 survey.

Read more...