Bilang ng mga nakarecover sa COVID-19 sa Navotas 5,153 na

By Mary Rose Cabrales December 14, 2020 - 04:35 AM


Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling sa coronavirus disease o COVID-19 sa Navotas.

Base sa huling datos ng lungsod (alas-5 ng hapon ng Linggo, December 13), nasa 5,153 na ang nakarecover sa COVID-19 kung saan 3 ang nadagdag.

Walang naitalang bagong nasawi sa lungsod kaya ang bilang ng COVID-19 related deaths ay nanatili sa 163.

Ang bilang naman ng active cases ay 49 kung saan 5 ang bagong naitala.

Sa kabuuan umabot na sa 5,365 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Patuloy na paalala ng pamahalaang lungsod ng Navotas na panatilihin ang pagsunod sa mga safety measures para maiwasan ang pagdami pa ng kaso.

TAGS: coronavirus, COVID-19, Health, navotas, coronavirus, COVID-19, Health, navotas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.