Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 65,247

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Linggo (December 13, 3:00 PM) nakapagtala ng 198 na bagong kaso kaya pumalo na sa 65,247 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 17,298
Laguna – 17,502
Batangas – 11,095
Rizal – 13,600
Quezon – 5,752

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 5,173.

Nasa 58,271 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 293 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 15,179
Laguna – 15,982
Batangas – 10,287
Rizal – 11,982
Quezon – 4,841

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 7 kaya umabot na sa 1,803 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 470
Laguna – 396
Batangas – 323
Rizal – 443
Quezon – 171

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay.

 

Read more...