La Union, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa La Union.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 6 kilometers Southwest ng bayan ng Luna.

Naramdaman ang pagyanig bandang 2:53 ng hapon.

68 kilometers ang lalim nito at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naitala ang instrumental intensity 1 sa City of Dagupan.

Wala namang napaulat na pinsala sa Luna at mga karatig-bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...