BAHAYanihan initiative ng OVP, sinimulan na
Pinangunahan ni Vice President Leni Robredo ang groundbreaking ceremony ng BAHAYanihan initiative sa Guinobatan, Albay.
Ibinahagi ni Robredo ang idinaos na seremonya noong Sabado, December 12.
Layon ng naturang proyekto na matulungang makabangon ang mga pamilyang nawalan ng tirahan matapos manalasa ang Bagyong Rolly.
“Sa ilalim ng ating proyekto, maitatayo ang mga tahanan sa relocation site na inilaan ng LGU Guinobatan, at mismong mga residente ay kabahagi rin ng pagtatayo ng mga bahay, bilang pagkilala sa diwa ng bayanihan na nagbigay-buhay sa inisiyatibong ito,” saad sa Facebook post ni Robredo.
Hangad din aniyang mabigyan ng pagkakataon ang mga pamilyang nakatira sa danger zones na makabangon muli sa mas ligtas na lugar.
Nagpasalamat naman ang Bise Presidente sa mga naging katuwang sa proyekto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.