BREAKING: Mga gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas, nasa 418,687 na; Higit 9,000 ang nadagdag

Hindi muli bababa sa 1,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Linggo (December 13), umabot na sa 449,400 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 21,980 o 4.9 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,085 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

84.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.8 porsyento ang asymptomatic; 0.33  porsyento ang moderate; 3.2 porsyento ang severe habang 6.3 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa tatlo naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 8,733 o 1.94 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 9,269 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 418,687 o 93.2 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...