Bilang ng kaso ng COVID-19 sa mundo, pumalo na sa 72.10 milyon
Umabot na sa mahigit 39.95 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 72,109,655 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 16,549,366 cases.
Sumunod na rito ang India na may 9,857,380 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 6,880,595 naman ang kaso sa Brazil habang 2,625,848 ang napaulat na kaso sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 2,365,319
– United Kingdom – 1,830,956
– Italy – 1,825,775
– Turkey – 1,809,809
– Spain – 1,741,439
– Argentina – 1,494,602
– Colombia – 1,417,072
– Germany – 1,320,592
– Mexico – 1,241,436
– Poland – 1,126,700
– Iran – 1,100,818
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 1,611,637 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 50,492,416 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.