Ayon kay Go, walang katotohanan na politically motivated ang pag-aresto sa aktibista.
Katwiran ni Go, ginawa ang pag-aresto kay Salem base sa ebidensya.
Ginagawa lamang aniya ng PNP ang kanilang trabaho na panatalihin ang kapayapaan sa bansa.
“Hindi naman po sila aarestuhin kung wala pong (dahilan). Ibig sabihin kung may warrant of arrest, dumaan na sa korte. Sila ang nag-iisyu ng warrant at nagpapatupad lang ang PNP,” pahayag ni Go.
Bukod kay Salem, anim pang miyembro ng trade union ang kasamang inaresto ng mga pulis.
Inaresto si Salem dahil sa kasong illegal possession of firearms and explosives.
“May karapatan kayong magsalita, may karapatan kayo to criticize the government pero wala kayong karapatan to destroy the government. Pinili ng taumbayan ‘yan, this is democracy,” pahayag ni Go.