Sen. Go, ipinagtanggol ang PNP sa pag-aresto sa isang mamamahayag

By Chona Yu December 13, 2020 - 01:18 PM

Ipinagtanggol ni Senador Bong Go ang Philippine National Police sa ginawang pag-aresto sa journalist at Manila Today editor Lady Ann Salem.

Ayon kay Go, walang katotohanan na politically motivated ang pag-aresto sa aktibista.

Katwiran ni Go, ginawa ang pag-aresto kay Salem base sa ebidensya.

Ginagawa lamang aniya ng PNP ang kanilang trabaho na panatalihin ang kapayapaan sa bansa.

“Hindi naman po sila aarestuhin kung wala pong (dahilan). Ibig sabihin kung may warrant of arrest, dumaan na sa korte. Sila ang nag-iisyu ng warrant at nagpapatupad lang ang PNP,” pahayag ni Go.

Bukod kay Salem, anim pang miyembro ng trade union ang kasamang inaresto ng mga pulis.

Inaresto si Salem dahil sa kasong illegal possession of firearms and explosives.

“May karapatan kayong magsalita, may karapatan kayo to criticize the government pero wala kayong karapatan to destroy the government. Pinili ng taumbayan ‘yan, this is democracy,” pahayag ni Go.

TAGS: Inquirer News, Lady Ann Salem, PNP, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go, Inquirer News, Lady Ann Salem, PNP, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.