Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Sabado (December 12), umabot na sa 448,331 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 30,168 o 6.7 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,301 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
85.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 7.0 porsyento ang asymptomatic; 0.24 porsyento ang moderate; 2.3 porsyento ang severe habang 4.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 35 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 8,730 o 1.95 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 111 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 409,433 o 91.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.