Magnitude 3.6 na lindol, yumanig sa Davao Occidental
By Angellic Jordan December 12, 2020 - 01:44 PM
Tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa Davao Occidental, Sabado ng hapon.
Sa datos ng Phivolcs, naitala ang sentro ng lindol sa layong 182 kilometers Southeast ng Sarangani.
Tumama ang pagyanig dakong 1:24 ng hapon.
May lalim itong 33 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa Sarangani at mga karatig-bayan.
Ayon pa sa Phivolcs, wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.