Truck ban sa NCR, ipatutupad muli simula sa Dec. 14

By Angellic Jordan December 12, 2020 - 01:38 PM

Muling ipapatupad ang truck ban sa Metro Manila, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa abiso ng MMDA, magsisimula ang muling implementasyon ng truck ban sa araw ng Lunes, December 14, 2020.

Mayroon anilang total truck ban sa EDSA (Magallanes Interchange hanggang North Avenue), 24 oras mula Lunes hanggang Linggo.

Ayon sa MMDA, ipinagbabawal ang pagbiyahe ng malalaking truck sa ibang major thoroughfares na pinangangasiwaan ng MMDA mula 6:00 hanggang 10:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi, tuwing Lunes hanggang Sabado.

TAGS: Inquirer News, mmda, Radyo Inquirer news, truck ban, Inquirer News, mmda, Radyo Inquirer news, truck ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.