Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 1.60 milyon na

Pumalo na sa halos 1.60 milyon ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 1,601,088 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 302,750.

Sumunod na rito ang Brazil na may 180,453 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 142,662 naman ang death toll sa India habang 113,019 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 63,506
– Italy – 63,387
– France – 57,567
– Iran – 51,727
– Spain – 47,624
– Russia – 45,893
– Argentina – 40,606

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 71,433,785 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 49,634,106 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...