Mahigit 2,000 typhoon victims sa San Ildefonso at San Rafael, Bulacan tumanggap ng tulong mula kay Sen. Bong Go

MAhigit sa 2,000 mga residente na biktima ng nagdaang bagyo ang tumanggap ng tulong mula kay Senator Christopher “Bong” Go.

Sa kaniyang video message sa mga residente, umapela din ang senador na patuloy na sumunod sa ipinatutupad na health protocols para maiwasan ang paglaganap pa ng COVID-19 lalo ngayong holiday season.

Sinabi ni Go na kaunting tiis na lamang naman dahil sa lalong madaling panahon ay magkakaroon na ng bakuna.

“Mga kababayan ko, kaunting tiis lang po. Tulungan lang po tayo. ‘Wag po kayong mag-alala, nandito po kami para sa inyo, kaunting tiis lang po ha. Kapag mayroon ng safe na vaccine, uunahin namin ni Pangulong (Rodrigo) Duterte lahat kayong mga mahihirap, para makabalik na tayo sa normal natin na pamumuhay,” ayon kay Go.

Ipinaalala din ng senador sa mga taga-Bulacan na mayroong Malasakit Centers sa Bulacan Medical Center sa Malolos City at sa Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital sa Sta. Maria na maari nilang magamit ang serbisyo.

Bitbit ng mga staff ni Go para sa mga residente ang
food packs, vitamins, masks at face shields na tinaggap ng 2,622 na beneficiaries sa San Ildefonso (1,286 beneficiaries) at San Rafael (1,336 beneficiaries).

Ilang benepisyaryo din ang tumanggap ng bisikleta na magagamit nila sa pagbiyahe ngayong limitado ang transportasyon dahiloptions amid the COVID-19 pandemic. Others were given tablets so their children take part in the online classes schools are carrying out under the blended learning approach.

“Konting tulong lang po para sa mga pangangailangan ninyo at para maprotektahan niyo ang inyong sarili mula sa sakit. Bukod pa ito sa hiwalay naman na ayuda mula sa mga ahensya ng gobyerno na patuloy ang serbisyo sa ating mga kababayang nangangailangan,” he said.

May dagdag ding tulong-pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development habang ang Department of Trade and Industry ay nagsagawa ng assessment at validation sa mga indbidwal na kwalipikado para sa Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa livelihood program.

Nagbigay din ng tulong ang National Housing Authority sa mga biktima naman ng sunog sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program.

“Minsan lang tayo dadaan sa mundong ito. Kung ano pong kabutihan na pwede nating itulong sa kapwa tao natin ay gawin na natin ngayon dahil hindi na tayo babalik sa mundong ito,” dagdag pa ni Go.

 

 

 

Read more...