Pope Francis maghuhugas ng paa sa mga migrante ngayong Huwebes Santo
Mga migrante at refugees naman ang huhugasan ng paa ni Pope Francis para sa selebrasyon ng liturhiya ngayong Huwebes Santo.
Sa mga nagdaang taon, pawang preso at mga disabled person ang hinuhugasan ng paa ng Santo Papa.
Pangungunahan muna ng Santo Papa ang Chrism Mass sa Vatican bago siya magtungo sa Reception Center for Asylum Seekers o CARA sa Castelnuovo di Porto na mahigit 18 milya ang layo sa Roma.
Gaganapin ang paghuhugas ng paa alas 5:0 ng hapon ng March 24 oras sa Roma.
Isang misa muna ang idaraos sa center na dadaluhan ng halos 900 migrante at mahigit 100 volunteers.
Kabilang sa mga migrante na nasa CARA ay mga Muslims, Christians, Katoliko at Protestants.
Sa Misa, huhugasan ni Pope Francis ang paa ng 11 migrante at isang volunteer.
Sa mga migrante na mapapasama sa mahuhugasan ng paa, apat ay Catholic youths mula sa Nigeria, tatlong Coptic women mula sa Eritrea, tatlong Muslim, at isang Hindu youth mula sa India.
Sa article na lumabas sa Vatican newspaper na L’Osservatore Romano inilahad ang nasabing balita na isinulat ni Archbishop Rino Fisichella, presidente ng Pontifical Council for the Promotion of the New Evangelization.
Sa nagdaang Holy Thursday mass ay sa rehabilitation center for the disabled at sa malaking bilangguan sa Rome nagmimisa ang Santo Papa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.