Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 64,947

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Biyernes (December 11, 3:00 PM) nakapagtala ng 177 na bagong kaso kaya pumalo na sa 64,947 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 17,240
Laguna – 17,387
Batangas – 11,052
Rizal – 13,546
Quezon – 5,722

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 5,185.

Nasa 57,966 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 128 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 14,975
Laguna – 15,962
Batangas – 10,264
Rizal – 11,933
Quezon – 4,832

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 8 kaya umabot na sa 1,796 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 469
Laguna – 395
Batangas – 321
Rizal – 441
Quezon – 170

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay.

Read more...