Muling itinuro ni Senator Christopher Go ang Malasakit Centers sa ibat-ibang bahagi ng bansa para sa mga Filipino na nangangailangan ng ibat ibang serbisyong medikal lalo na ngayon nagpapatuloy ang COVID 19 crisis.
Muling ipinaliwanag ni Go na ang Malasakit Center, ay one-stop shop ng ibat-ibang ahensiya ng gobyerno na maaring mahingian ng tulong para sa mga bayarin sa anuman serbisyong medikal.
“Batas na po ang Malasakit Center. Nasa loob na ng ospital ang apat na ahensya ng gobyerno–ang DOH, PCSO, PhilHealth at DSWD,” bilin pa ng senador, dagdag pa nito, “ “tutulungan po sila ng apat na ahensya ng gobyerno at ang balanse mo babayaran pa ng pondong ‘yun. Ang target nito, zero balance billing.”
Kasabay nito, pinasinayaan ni Go ang pang-95 Malasakit Center at ito ay sa Amang Rodriguez Medical Center sa Marikina City.
Dagdag paalala pa ng senador, may express lane para sa senior citizens at PWDs sa lahat ng Malasakit Center.