Mga bagong local operating box, naikabit na sa North Avenue station ng MRT-3

By Dona Dominguez-Cargullo December 11, 2020 - 01:36 PM

Nakapaglagay na ang pamunuan ng MRT-3 ng 8 bagong local operating box (LOB) sa North Avenue station.

Ginagamit ang mga LOB para sa manual operation ng point machine.

Ginagamit din ito upang sukatin ang motor current and voltage ng mga point machine.

Ang point machine ay ginagamit naman para ma-operate nang maayos ang mga railway turnouts nang malayuan o mula sa control room.

Nauna nang nakapag-install ng dalawang bagong point machine sa North Avenue station.

Matatandaang nakapaglagay na rin ng mga bagong signal lights, platform monitors, at CCTV cameras ang MRT-3 sa mga istasyon nito, at nakapag-upgrade na rin ng mga equipment at facilities sa depot.

Ang pag-upgrade sa mga lumang kagamitan ng linya ay bahagi ng malawakang rehabilitasyon na isinasagawa sa tulong ng MRT-3 maintenance provider na Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, LOB, local operating box, Philippine News, point machine, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, LOB, local operating box, Philippine News, point machine, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.