Joe Biden at Kamala Harris itinanghal na ‘Person of the Year’ ng Time

Sina US President-elect Joe Biden at Vice President-elect Kamala Harris ang napili ng Time magazine bilang 2020 “Person of the Year”.

Ang Democratic pair ang napili sa iba pang finalists na kinabibilangan ng frontline health care workers and Dr. Anthony Fauci, racial justice movement, at President Donald Trump.

Sa Tweet ng Time magazine makikita ang larawan nina Biden at Harris na mayroong subtitle na “Changing America’s story.”

Taunang ginagawa ang Time magazine award simula pa noong 1927 bilang pagkilala sa mga taong nagkaroon ng pinakamatinding impact sa balita sa buong taon.

 

 

Read more...