Pagdami ng mga deputy speaker sa Kamara idinepensa

By Erwin Aguilon December 11, 2020 - 01:03 PM

Pumalag si Deputy Speaker at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa paglobo ng bilang ng mga deputy speakers sa Mababang Kapulungan.

Ayon kay Rodriguez, ang pagdadagdag ng deputy speakers ay isang tamang hakbang ng Kamara para masiguro ang pantay na representasyon ng lahat ng rehiyon at political parties sa bansa.

Paliwanag nito, ang Metro Manila na lamang palagi ang imperial ng Deputy Speakers kaya naisip ni Velasco na mahalaga ring tiyakin na may kinatawan ang 16 na rehiyon sa bansa.

Batay aniya sa naging pangako ng Speaker, tinitiyak nito sa ilalim ng kanyang liderato na mapapabilang at magkakaisa ang lahat ng mambabatas kung saan magiging tunay na kinatawan ng taumbayan ang kapulungan.

Pahayag ito ni Rodriguez, matapos maitalaga bilang Deputy Speakers ang 9 na mga kaalyado ni Speaker Lord Allan Velasco kung saan umakyat na sa 29 ang kabuuang bilang ng mga deputy speakers sa Kamara na siyang pinakamarami sa kasaysayan ng Kongreso.

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, house deputy speakers, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, rufus rodriguez, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, house deputy speakers, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, rufus rodriguez, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.