Kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas, nadagdagan pa ng 117; 2 pang pasyente ang pumanaw
Nadagdagan ng 117 pa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Naitala ang mga bagong kaso mula sa 862 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC, DWHVL at Ormoc Molecular Diagnostic Center.
Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 9:00, Biyernes ng umaga (December 11), 9,301 na ang confirmed COVID-19 cases sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 482 o 5.18 porsyento ang aktibong kaso.
54 residente naman ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.
Bunsod nito, umabot na sa 8,717 o 93.72 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.
Nakapagtala naman ng dalawang panibagong nasawi sa sakit.
Sa ngayon ay umabot na sa 102 ang bilang ng nasawi sa rehiyon o katumbas ng 1.10 porsyento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.