Larawan ng isang mural sa San Jose Del Monte na ginamit na background sa picture-taking nag-trending sa social media

Dumepensa si San Jose del Monte Rep. Rida Robes sa mga batikos sa social meadi kaugnay sa isang mural sa bagong pasinayang convention center sa lungsod.

Sinabi ni Robes na ang nasabing mural ay
paglalarawan ng artist sa pagkapanalo ng San Jose del Monte City noong 2019 sa Guinness Book of World Record para sa
“Most number of living figures”.

Saad ni Robes, “The mural is the artists’ depiction of the nativity scene that won for San Jose Del Monte City in 2019 the Guinness Book of World Record for having the most number of living figures.”

Nasa larawan anya sila ng kanyang asawa na si San Jose del Monte City Mayor Arthur Robes dahil sila ang nanguna sa
nasabing programa sa ginanap na Tanglawan Festival noong isang taon.

Nagpapakita anya ang okasyon na inilarawan sa mural ng “major milestone sa San Jose del Monte dahil nabigyan ng
pagkilala ang “hardwork” ng kanilang mga kababayan.

Sa larawang kumalat sa social media makikita na nagpa picture ang mambabatas at ang asawang alkalde kasama ang isang pari at iba pang opisyal kung saan ang backgroud ay isang mural.

Sa mural makikita na nakapinta ang larawan nina Robes gayundin ang isang belen, religious image at mga aktibidad ng Lungsod ng San Jose del Monte.’

 

 

 

 

Read more...