TESDA kumpiyansa sa pagharap sa House probe sa kanilang scholarship program

By Jan Escosio December 11, 2020 - 11:14 AM

Dalawang mataas na opisyal ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA ang nagsabi na kumpiyansa silang malilinawan sa Kamara ang kinukuwestiyong mababang employment rate ng kanilang graduates, gayundin ang sinasabing hindi tamang paggamit ng kanilang pondo.

Sinabi ni Aniceto Bertiz III, deputy director general for Partnerships and Linkages, higit 200 training programs ang kanilang iniaalok at aniya totoong hindi lahat ng kanilang graduates ang nagkaka-trabaho dahil marami ang nagsisimula ng sarili na nilang negosyo.

Sabi pa nito, hanggang 95 porsiyento ng mga skilled Filipinos na nagta-trabaho sa ibang mga bansa at nagtapos ng kanilang training at nabigyan ng certification ng TESDA.

Nabanggit din nito, ikinukunsidera nila na mag-focus sa kanilang mga programa, kung saan ang kanilang graduates ay mabilis na nagkakatrabaho, gaya sa construction, IT – BPO, agrikultura at health care.

Samantala, ayon naman kay Lina Sarmiento, deputy director general for operations ng TESDA, kulang pa ang naisumite nilang datos sa Commission on Audit sa katuwiran na ang kanilang 2019 budget ay patuloy at maari pa nilang gamitin hanggang sa huling araw ng kasalukuyang taon.

Aniya patuloy ang pagsasagawa nila ng scientific and parallel study para mas maging accurate ang kanilang datos na may kaugnayan sa employment rate ng kanilang graduates.

Ibinahagi nito na sa kanilang 2018 employment data, pinakamataas sa 88 percent at pinakamababa sa 73 percent ang bilang ng kanilang mga graduates na nagkaroon ng trabaho.

Labing-pitong miyembro ng Kamara ang pumirma sa isang resolusyon na humihiling na maimbestigahan ang employment rate ng TESDA graduates gayundin ang paggamit ng pondo ng ahensiya base sa isinumiteng ulat ng COA.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, MGCQ, niceto Bertiz III, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Technical Education and Skills Development Authority, Tesda, Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, MGCQ, niceto Bertiz III, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Technical Education and Skills Development Authority, Tesda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.