Global cases ng COVID-19 mahigit 70.6 million na
Umabot sa mahigit 649,000 pa ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa nakalipas na magdamag.
Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Biyernes, (Dec. 11) ay 70,670,955 na ang global cases ng COVID-19.
Sa magdamag, mahigit 299,000 ang bagong kaso na naitala sa US.
Habang mahigit 34,000 naman ang bagong kaso sa India at mahigit 53,000 ang bagong kaso sa Brazil.
Nakapagtala naman ang Russia ng dagdag na 27,000 na mga bagong kaso.
Ang Turkey ay pumasok sa top 10 na mga bansang may pinakamaraming kaso ng COVID-19.
Nasa pang-walong pwesto ito ngayon makaraang makapagtala ng 30,000 dagdag na bagong kaso ng sakit.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 16,016,773
India – 9,796,992
Brazil – 6,783,543
Russia – 2,569,126
France – 2,337,966
UK – 1,787,783
Italy – 1,787,147
Turkey – 1,748,567
Spain – 1,734,386
Argentina – 1,482,216
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.