Nakasaad sa MIAA office order na nagsimula ang nasabing leave ni Honrado noon pang March 16, at kanyang itinalaga bilang kanyang pansamantalang kapalit si Senior Assistant General Manager Vicente Guerzon Jr.
Itinalaga naman Si Assistant General Manager for Engineering Carlos Lozada bilang kapalit ni Guerzon, habang si Civil Works Department OIC Carmencita Ver ang papalit sa kaniya.
Ayon sa mga ulat mula sa Department of Transportation and Communications, na imay iniindang sakit na gout si Honrado na naglilimita sa kanyang paggalaw, kaya’t kinailangan niyang mag-leave sa trabaho.
Noong nakaraang taon din ay nagleave si Honrado dahil din sa parehong dahilan, at si DOTC Sec. Jun Abaya naman ang nag-labas ng kautusan noon sa kung sino ang pansamantalang papalit sa kaniya.
Tumanggi naman magbigay ng detalye ang tagapagsalita ni Honrado na si David de Castro tungkol sa kalusugan at leave of absence nito.