BREAKING: 1 patay, hindi bababa sa tatlo sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Divisoria sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo December 11, 2020 - 08:38 AM

Isa ang nasawi habang hindi bababa sa tatlo katao ang sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Divisoria sa Maynila.

Sangkot sa aksidente ang isang kotse na Hyundai Accent, pampasaherong jeep, pedicab, motorsiklo, E-trike, at bisikleta.

Sa inisyal na imbestigasyon, nawalan umano ng preno ang kulay pulang Hyundai Accent na kotse na may plakang NDL 9295 at inararo ang mga sasakyan sa kalsada.

Tinumbok ng kotse ang likurang bahagi ng pampasaherong jeep dahilan para umikot ito.

Nasawi naman ang isang lalaking nabibisikleta, makaraang araruhin din ito ng kotse.

Ang isang e-trike na kasama sa inararo ng kotse, natanggalan ng bubong dahil sa tindi ng impact ng pagbangga.

Wasak na wasak din ang harapan ng kotse.

Hawak na ng mga otoridad ang driver ng kotse at isinasailalim sa imbestigasyon.

Ang ibang nasugatan ay nasakay na sa ambulansya at naadala na sa ospital.

 

 

 

 

TAGS: accident, Breaking News in the Philippines, Divisoria, Inquirer News, manila, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, accident, Breaking News in the Philippines, Divisoria, Inquirer News, manila, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.