Molecular Laboratory ng Philippine Red Cross sa Surigao pasado na sa proficiency test
Pasado na sa proficiency test ang Molecular Laboratory ng Philippine Red Cross sa Surigao.
Ayon kay Red Cross chairman at Senator Richard Gordon, inaasahang sa lalong madaling panahon ay mabubuksan na ang Molecular Laboratory at maseserbisyuhan ang mga lalawigan sa CARAGA region.
Seserbisyuhan din ng laboratoryo ang mga lalawigan sa kalapit na rehiyon.
Sinabi ni Gordon na nangangahulugan itong mas marami ang maisasailalim sa COVID-19 test.
“Right now, there is still no alternative solution to COVID but to TEST. This is the only way we can get ourselves back to work and to interact with others safely,” ayon kay Gordon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.