Ulat na pagkahuli sa Brussels attacks suspect, binawi ng Belgian media
Binawi ng Belgian media ang ulat na ang lalaking inaresto ng mga otoridad sa Brussels ay ang tinukoy na pangunahing suspek sa mga pag-atake doon na si Najim Laachraoui.
Nilinaw ng pahayagang Derniere Heure o DH sa kanilang tweet na ang naaresto sa Anderlecht sa Brussels ay hindi si Laachroui.
Iniulat kasi ng nasabing pahayagan at ng RTL broadcaster na nahuli na ng mga pulis ang pangunahing suspek sa serye ng mga madugong pag-atake sa Brussels, Belgium na ikinasawi ng hindi bababa sa 30 katao at ikinasugat ng mahigit 200.
Una nang ipinahayag ng Belgian media na kinilala ang dalawang bombers na umatake sa airport na sina Khalid at Ibrahim El Bakraoui na pawang magkapatid.
Tinukoy ng mga pulis ang suspek na si Laachraoui noong Lunes kasunod ng pagkaka-aresto naman sa isa sa mga key suspects sa Paris attacks noong isang linggo na si Salah Abdeslam.
Ayon sa mga imbestigador, may kaugnayan sina Laachraoui at Abdeslam, na pareho namang may koneksyon umano sa Islamic State of Iraq and Syria o ISIS./
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.