New Zealand niyanig ng magnitude 6.0 na lindol

Tumama ang malakas na magnitude 6.0 na lindol sa New Zealand.

Ayon sa datos mula sa US Geological Survey ang sentro ng lindol ay naitala sa layong 628 kilometers mula sa Whakatane, New Zealand.

Nangyari ang lindol alas 4:42 ng madaling araw ngayong Biyernes (Dec. 11) oras sa Pilipinas.

Sa karagatan tumama ang sentro ng pagyanig.

Wala pa namang napaulat na pinsala bunsod ng naturang lindol.

 

 

 

Read more...