Bilang ng mga nakarecover sa COVID-19 sa Navotas 5,132 na


Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling sa coronavirus disease o COVID-19 sa Navotas.

Base sa huling datos ng lungsod (alas-5 ng hapon ng Huwebes, December 10), nasa 5,132 na ang nakarecover sa COVID-19 kung saan 4 ang nadagdag.

Walang naitalang bagong nasawi sa lungsod kaya ang bilang ng COVID-19 related deaths ay nanatili sa 163.

Ang bilang naman ng active cases ay 53 kung saan 10ang bagong naitala.

Sa kabuuan umabot na sa 5,348 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Patuloy na paalala ng pamahalaang lungsod ng Navotas na panatilihin ang pagsunod sa mga safety measures para maiwasan ang pagdami pa ng kaso.

 

Read more...