Pagtaas ng rating ni Duterte sa presidential surveys, inasahan ng kampo nito

duterte2Inasahan na ng kampo ni presidential candidate at Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang pagtaas ng ratings ng alkalde.

Ayon kay Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles, mas maraming tao na ng nakakikilala kay Duterte sa pagtagal ng kampanya.

At habang nalalapit aniya ang araw ng eleksiyon ay mas marami pang Pilipino ang makukumbinsi na iboto si Duterte bilang presidente.

Naniniwala pa si Nograles na pumapabor ang momentum sa alkalde lalo na pagkatapos ng magandang performance nito sa nakaraang presidential debate.

Dagdag ni Nograles na ang kampanya ni Duterte ay pinatatakbo lamang ng volunteers kaya naman kumbinsido silang gusto talaga ng mga tao ang alkalde.

Sa pinakahuling Pulse Asia survey, statistically tied na sina Duterte at Sen. Grace Poe makaraang tumaas ng 1 percentage point ang alkalde na nakakuha ng 25 pecent habang bumaba ng 2 percentage point si Poe na may 26 percent.

Read more...