Bilang ng active cases sa Mandaluyong City nadagdagan pa

By Mary Rose Cabrales December 11, 2020 - 04:10 AM

Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lungsod ng Mandaluyong.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department (Huwebes, December 10, 4:09 PM), 89 ang bilang ng active cases sa lungsod kung saan 10 ang nadagdag.

Ang bilang naman ng mga gumaling na o naka-recover na ay nasa 5,405 kung saan 15 ang bagong napaulat,

Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay umabot na sa 166.

Umabot naman na sa 5,660 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Ang bilang ng suspected cases ay 148 at 1 ang probable.

Ayon sa Mandaluyong City Health Department ang pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng tinamaan ng virus at suspected cases ay resulta ng mas pinaigting na mass testing at contact tracing sa lungsod. Ang hakbang ay ginawa upang matukoy at agarang mabigyan ng karampatang lunas ang mga nagpositibo.

Excerpt:
Ang bilang ng nasawi sa virus ay umabot na sa 166.

TAGS: coronavirus, COVID-19, Health, Mandaluyong, coronavirus, COVID-19, Health, Mandaluyong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.