Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 64,770

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Huwebes (December 10, 3:00 PM) nakapagtala ng 168 na bagong kaso kaya pumalo na sa 64,770 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 17,231
Laguna – 17,333
Batangas – 10,997
Rizal – 13,526
Quezon – 5,683

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 5,144.

Nasa 57,838 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 107 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 14,975
Laguna – 15,934
Batangas – 10,210
Rizal – 11,898
Quezon – 4,821

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 10 kaya umabot na sa 1,788 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 469
Laguna – 390
Batangas – 320
Rizal – 439
Quezon – 170

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay.

Read more...