650,000 pamilya sa Maynila, makakatanggap ng Christmas food packs

Photo credit: Mayor Isko Moreno Domagoso/Facebook

Mamamahagi ang Manila City government ng Christmas food packs sa mga pamilya sa lungsod.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, handa na ang mga ibibigay na food packs para sa darating na Kapaskuhan.

Aabot sa 650,000 pamilyang Manileño ang mabibigyan ng food packs.

Base sa ibinahaging larawan ni Moreno, makikitang ininspeksyon nito ang food boxes sa storage area ng Pritil Market.

Photo credit: Mayor Isko Moreno Domagoso/Facebook

Isa lamang ang Pritil Market sa maraming warehouses kung saan nakalagay ang food boxes para sa mga pamilyang Manileño.

Nais aniya ng Pamahalaang Lungsod na may mapagsaluhan ang bawat pamilya sa Maynila ngayong Pasko.

Kabilang sa mga ipamimigay ang spaghetti, macaroni at iba pa.

Bukod dito, may handog ding karagdagang gift packs at limang kilo ng organic rice ang lokal na pamahalaan para sa bawat sa senior citizen nito.

“Lucky for you if you are a senior, very expensive and very nutritious ang rice para sa inyo. Ang good news, bibilhin natin sa Mindanao itong black rice o red rice,” pahayag ni Mayor Isko.

Read more...