Pangulong Duterte, magpapatawag ng full Cabinet meeting sa Dec. 14
Magpapatawag si Pangulong Rodrigo Duterte ng full Cabinet meeting sa December 14.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, gagawin ang Cabinet meeting bago ang regular “talk to the nation” ni Pangulong Duterte tuwing Lunes.
Gayunman, hindi pa matukoy ni Roque kung ano ang agenda ng full Cabinet meeting.
October 12 ng taong 2020 nang huling magpatawag ng Cabinet meeting ang Pangulo.
Sa regular na sitwasyon ay nagpapatawag ang Pangulo ng Cabinet meeting kada buwan.
Pero ayon kay Roque, dahil na rin sa pandemya ng COVID-19 sa bansa ay hindi nagging madalas ang pagpapatawag ng Pangulo ng Cabinet meeting.
Hindi kasi aniya kuntento ang Pangulo kung gagawin lamang sa Zoom ang Cabinet meeting dahil mas gusto aniya nito na makaharap at personal na makausap ang kaniyang Gabinete.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.