Water refilling station sa loob ng PSG compound, nasunog

PSG photo

Tinupok ng apoy ang isang water refilling station sa loob ng Presidential Security Group compound sa Malacañang Park.

Ayon kay PSG commander Brig. General Jesus Durante, nagsimula ang sunog bandang 8:30, Huwebes ng umaga, sa Escortas Water Refilling Station.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Malacañang Fire Station at naapula ang apoy bandang 9:15 ng umaga.

Nabatid na isang heat gun ang naiwang nakasaksak ng crew habang nagde-deliver ng tubig ang naging dahilan ng sunog.

Ayon kay Durante, malayo ang PSG Concessionaire sa main headquarters at iba pang pasilidad ng PSG.

“The prompt response of a concerned PSG personnel actually prevented any escalation of fire. Estimated cost of damage is approximately more or less PhP 3,000.00 which only covers the portion where the heat gun was plugged,” pahayag ni Durante.

Tinatayang aabot sa P3,000 ang halaga ng nasunog na ari arian.

Wala namang naiulat na nasugatan sa sunog.

PSG photo
Read more...