Senator Bongbong Marcos umaasa na makukuha niya ang suporta ng One Cebu

Photo Relase
Photo Relase

Umaasa pa rin si vice presidential candidate at Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na makukuha niya ang suporta ng One Cebu matapos na mabasag na ang alyansa ng mga ito sa United Nationalist Alliance ni Vice President Jejomar Binay.

Ayon kay Marcos lagi sila nag-uusap ng mga Garcia dahil kaibigan naman sila ni Marcos at umaasa ang senador na makukuha niya ang suporta ng One Cebu.

Aminado pa si Marcos na malaking bagay na makuha ang suporta ng One Cebu dahil malaking boto ang maibibigay nito sa kanya.

Sinasabi na maimplwesnya ang mga Garcia sa Cebu na kinabibilangan ni Gobernatorial Candidate Winston Garcia at third district Representative Gwendolyn na namumuno naman sa One Cebu.

Read more...