Binabantayang LPA ng PAGASA nasa bahagi na Batangas; patuloy na magpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon

By Dona Dominguez-Cargullo December 10, 2020 - 12:04 PM

Patuloy na nagpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 80 kilometers Northwest ng Calapan City, Oriental Mindoro o 75 sa kilometers Southwest ng Tanauan City, Batangas.

Ayon sa PAGASA, ang LPA ay patuloy na kikilos ng pa-kanluran at tatawid ng Verde Island patungo ng West Philippine Sea.

Nananatiling maliit ang tsansa na maging isang ganap na bagyo ang LPA.

Ayon sa PAGASA, maghahatid pa din ito ng mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa CALABARZON, Metro Manila, eastern portions ng Cagayan at sa mga lalawigan ng Isabela, Aurora, Bulacan, Bataan, Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island, at Calamian Islands.

Magdudulot din ito ng occasional hanggang sa madalas na mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Pangasinan at sa nalalabing bahagi ng Cagayan Valley at Central Luzon.

 

 

 

 

TAGS: Batangas, Breaking News in the Philippines, Calapan City, Inquirer News, LPA, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tanauan City, weather, Batangas, Breaking News in the Philippines, Calapan City, Inquirer News, LPA, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tanauan City, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.