Manggagawa sa firecracker industry pinalilipat na ng trabaho

Photo grab from PCOO Facebook video

Pursigido si Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyan nang ipagbawal ang paggamit ng paputok sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ang dahilan kung kaya pinapayuhan ng palasyo ang mga manggagawa sa industriya ng paputok na lumipat na ng trabaho at maghanap ng ibang pagkakabuhayan.

“Well, kagaya ng sinabi kagabi ng Presidente, kinakailangan alalahanin din iyong mga tao na nakasalalay sa paggagawa ng paputok bilang hanapbuhay,” ani Roque.

Ayon kay Roque, may warning nang inilabas ang pangulo para pag ban ng mga paputok.

Ayon kay Roque, nagkaroon na ng konsiderasyon ang pangulo sa mga manggagawa sa paputok.

“So, kung baga binigyan na ng warning ng Presidente, humanap na kayo ng ibang hanapbuhay dahil sa susunod na taon magkakaroon na tayo ng absolute firecrackers ban,” dagdag ni Roque.

Dapat kasi aniya ay noong nakaraang taon pa ipinatupad ang firecracker ban subalit pinalawig pa ito ng pangulo hanggang ngayon.

 

 

 

Read more...