May 9 elections magiging transparent ayon sa Comelec

Kuha ni Richard Garcia
Kuha ni Richard Garcia

Tiniyak ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista na magiging transparent ang May 9 national elections.

Sa pahayag ni Bautista sa joint congressional oversight committee on automated election system sa Senado, sinabi nito na may sapat na safeguards na inilatag ang Comelec para hindi magkaroon ng dayaan.

Ayon kay Bautista, bagaman nakaabala sa preparasyon ng Comelec ang inilabas na desisyon ng Supreme Court na nag aatas sa kanilang hanay na mag isyu ng resibo, tatalima na lamang ang kanilang hanay.

Dapat na aniyang mag move on ang Comelec at mag concentrate sa paghahanda sa eleksyon.

Read more...