Sa ilalim ng House Bill 7202 o Trans-fat Free Philippines Bill na inihain ni Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong, ang pag-manufacture, importation, distribution pagbebenta ng partially hydrogenated oil (PHO), oils and fats na gawa o mayroong PHOs na mayroong TFA content ng mahigit na 2 gramo sa bawat 100 gramo ng produkto ay ipagbabawal.
Dahil po sa COVID-19 pandemic ngayon, mas nakikita po natin ang importansya ng kalusugan, ng strong immune system, at healthy lifestyle.
Sabi ni Ong, ang nasabing panukala ay makatutulong upang mapangalagaan ang kalusugan sa pamamagitan ng pagbabawas o pag-aalis ng mga produktong nagtataglay ng industrially-produced trans-fatty acids na nagiging mitsa ng kamatayan at mga non-communicable diseases.
Sa datos ng World Health Organization, 41 milyon ang namamatay sa daigdig kada taon dahil sa non-communicable diseases.
Sa Pilipinas pa lamang, 68 porsyento ng mga nasasawi ay dahil sa non-communicable diseases kung saan isa sa bawat Pinoy ay namamatay bago tumuntong sa edad na 70.
Kabilang sa mga non-communicable diseases na ito ay ang cardiovascular diseases, cancer, diabetes or chronic respiratory diseases.